PHILIPPINE REAL ESTATE and RELATED NEWS in and around the country . . .
.
.

Cavite registrar of deeds, driver slain


Updated March 05, 2009 12:00 AM [ philstar.com ]

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – The registrar of deeds of Cavite and his driver were gunned down at the parking lot of a bank in Trece Martires City on Tuesday afternoon, police said.

Superintendent Romano Cardino, deputy regional director of the Criminal Investigation and Detection Group, said lawyer Napoleon Gatmaitan, 44, and his driver, Benny Guazon, 36, were on board a light blue Isuzu Crosswind when the motorcycle-riding assassin fired at them with a caliber 9-mm pistol.

Cardino said probers have identified the owner of the motorcycle. – Ed Amoroso, Arnell Ozaeta

______________________________________________________________________________

See related news in Pilipino below. . .

March 05, 2009 06:38 PM Thursday [ journal.com.ph ]

Hepe ng Cavite Registry of Deeds pinatay

By: Jun M. Valdecantos


TRECE MARTIRES -- Binaril at napatay ang director ng registry of deeds at driver nito ng dalawang hinihinalang gun-for-hire na sakay ng motorsiklo habang pababa ang biktima ng sasakyan nito sa isang sangay ng Metrobank sa Governor’s Drive, Bgy. San Agustin, dito kahapon ng hapon.

Nagtamo ng tama ng bala mula sa .9mm caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad ikinamatay ng mga biktimang kinilalang sina Atty. Napoleon Gatmaitan, 44, director ng Registry of Deeds, at driver nitong si Benny Guazon, 36.

Sila ay isinugod pa sa Mark James Hospital pero idineklarang dead on arrival na ang mga ito.

Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek lulan ng motorsiklo matapos mapatay ang dalawang biktima.

Batay sa imibestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong 5:45 kahapon habang ang dalawang biktima ay nagtungo sa isang sangay ng Metro Bank sa nasabing lugar nang lapitan ang mga ito ng suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ang mga biktima.

Matapos matiyak na patay na ang dalawang biktima ay pasimpleng naglakad lang ang mga ito patungo sa naghihintay na kasamahan na nagmamaneho ng single motorsiklo at sumibad ang mga ito patungong Naic, Cavite.

Ayon sa ilang nakakita sa pangyayari, dakong alas-3 ng hapon nang makita nila ang dalawang suspek na tila merong hinihintay na tao ’di kalayuan sa pinangyarihan ng krimen.

Ilan sa mga kasamahan sa trabaho ng biktima na ’di nagpabanggit ng pangalan ang nagsabing posibleng ipinalikida ito ng mga taong madalas lokohin ng biktima na nagpapaayos ng rehistro ng kani-kanilang pag-aari partikular na ang pagsasaayos ng titulo ng lupa.

Tikom naman ang bibig ni Cavite police provincial director Senior Supt. Hernando Zafra sa isyung ito sa pagsasabing hangga’t ’di pa nai-istablish ang motibo ito ay mananatili pa rin itong hearsay.

Sa ngayon, ipinag-utos na rin ng opisyal na ito na magsagawa ng manhunt operation para sa mabilisang ikadarakip ng mga salarin at nang maliwanagan kung ano ang dahilan kung bakit nila pinaslang ang biktima.

___________________________________________________________________________


real estate central philippines
Copyright ©2008-2020